Home NATIONWIDE Bonoan sa panawagang pag-leave niya sa gitna ng flood control project probe:...

Bonoan sa panawagang pag-leave niya sa gitna ng flood control project probe: Depende sa Pangulo

252
0
(c) Cesar Morales

Ipinauubaya ni Public Works Secretary Manuel Bonoan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang desisyon kung kailangan niyang mag-leave habang iniimbestigahan ang umano’y katiwalian sa mga flood control project.

“I think ang delicadeza naman po dito is actually hindi lang naman po flood control project ang aking sinusulong dito sa DPWH. Napakarami po yung other big projects that would warrant my kwan po ngayon dito. As I said, I leave it to the President po kung anong desisyon po nila,” anang kalihim.

Ayon kay Bonoan, patuloy siyang nakatutok sa iba pang malalaking proyekto ng DPWH at tinanggal na rin ang mga district engineer na sangkot sa iregularidad. Pansamantalang pinamahalaan ng regional office ang kanilang mga tanggapan.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, kinumpirma ni Bonoan na iniimbestigahan ng DPWH ang mga umano’y ghost project sa Bulacan at posibleng sabwatan ng mga tauhan at kontraktor. Tiniyak niya na magsasampa ng kaso laban sa mga mapatutunayang sangkot kapag kumpleto na ang ebidensya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here