Home NATIONWIDE Mga contractor sa likod ng 9 bumigay na flood control projects pinangalanan...

Mga contractor sa likod ng 9 bumigay na flood control projects pinangalanan ng OrMin gov

306
0

MANILA, Philippines – Siyam na bagong gawang road dikes sa ilalim ng flood control project ang gumuho sa iba’t ibang lugar sa Oriental Mindoro sa kasagsagan ng southwest monsoon o Habagat noong Hulyo 23, 2025 ayon kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor, batay sa report mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Mimaropa regional office.

Apat sa mga dikeng ito ay matatagpuan sa Mag-Asawang Tubig River, at ang apat ay sa Bucayao River, at isa sa Bongabong River.

“Ang total cost ng contract nito umaabot ng almost P2 billion, P1.9 billion ‘yung nag-collapse,” ani Dolor.

Kasunod nito ay pinangalanan ng gobernador ang mga contractor na nasa likod ng kwestyonableng kalidad ng road dike projects.

Ang pangalan ng mga ito ay mula sa report na ipinasa umano sa kanya ni DPWH Mimaropa Regional Director Engr. Gerald Pacanan.

Ayon kay Dolor, ang mga contractor na ito ay ang Sunwest, Inc., St. Timothy Construction Corporation, ADSL, at MLR Construction.

“Anim doon sa siyam na nasira isang contractor lang ang gumawa, anim na project sa Sunwest,” dagdag ni Dolor.

Kabilang ang Sunwest at St. Timothy Construction sa top 15 contractors na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumanggap ng malalaking flood control projects.

Kasabay nito, nanawagan si Dolor sa mga awtoridad na i-blocklist at itigil na ang paggawad ng mga kontrata sa mga kompanyang nasa likod ng substandard projects sa Oriental Mindoro.

“Sana naman yung mga nagkasala dito managot, kung may kontratista dito na pumalpak at hindi sumunod sa specification, bukod sa mabar ito, bukod sa masuspinde, dapat ito tama na huwag na ulit bibigyan ng proyekto,” giit ni Dolor.

“Masayang may nagpopondo pero tama na ang sistemang ganito, babagsakan ka ng pondo, ilalagay sa isang lugar na hindi naman coordinated sa province, hindi coordinated sa master plan tapos pagdating ng problema kami ang mananagot,“ dagdag pa.

Bumuo na ng fact-finding team para mag-imbestiga sa kwestyonableng flood control projects sa Oriental Mindoro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here