MANILA, Philippines – Posibleng lumampas sa 8% ang inflation rate sa bansa ngayong Oktubre, batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa inilabas nitong month-ahead inflation forecast nitong Biyernes, sinabi ng BSP na inaasahang papalo sa 7.1% hanggang 8.1% ang inflation rate ngayong buwan. Mas mataas ang pinakamataas na bahagi ng pagtataya kumpara sa 7.2% na naitalang inflation noong Setyembre.
“Upward price pressures are likely to come from higher prices of domestic fuel, electricity, and transport fares,” ayon sa central bank.
Gayunman, maaaring bahagyang mapababa ang epekto nito ng mas murang presyo ng mga pangunahing produktong agrikultural gaya ng bigas, gulay, karne at isda dahil sa sapat na suplay.
“The BSP will remain vigilant and guided by incoming data, particularly on inflation and growth prospects. It will continue to assess the impact of the latest developments in the Middle East on the country’s inflation and economic outlook,” pahayag ng BSP.
Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang opisyal na inflation figures para sa Oktubre sa Nobyembre 5. RNT/MDS