Home NATIONWIDE BSP nagbabala sa mga umiikot na ‘fake document’

BSP nagbabala sa mga umiikot na ‘fake document’

243
0

MANILA, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa mga umiikot na mapanlinlang na dokumentong sinasabing nagmula sa BSP o ng mga opisyal nito.

May pekeng pirma ang mga pekeng dokumento ng mga opisyal ng BSP at mayroon pang logo.

Ginagamit o umiikot ang pekeng dokumento para makapanloko at iligal na makakuha ng pera maging ang personal na impormasyon ng publiko.

Payo ng BSP sa publiko, manatiling mapagmatyag at suriing mabuti ang mga mensahe o dokumentong natatanggap hinggil sa mga transaksyon lalo na kung pinansyal.

Maaari naman i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad sa mismong tanggapa ng BSP sa A. Mabini kanto ng P. Ocampo St., sa Malate, Manila o kaya ay tumawag 8811-1277 at magpadala ng mensahe sa [email protected] Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here