Home ENTERTAINMENT Hearing ng kaso ni Rita vs Archie, tapos na!

Hearing ng kaso ni Rita vs Archie, tapos na!

310
0

Manila, Philippines- Natapos na ang kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania.

Gayunman, balitang bababa pa sa October ang hinihintay na promulgation nito.

Matatandaang nag-ugat ang kaso sa pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa tagumpay ng kanilang Widows’ War ni Carla Abellana last year.

Present doon ang cast at crew ng nasabing GMA teleserye.

Between the two parties, ang mas apektado ay si Archie.

Patuloy ang inog ng mundo para kay Rita.

Si Archie ang mas nasa receiving end dahil mula noon, he has been in between jobs.

Supposedly nga, kasama si Archie sa isang malaking project pero nagdesisyon ang producer nito na palitan siya kesa mag-suffer ang proyekto.

It’s been almost a year since “inaalat” ang aktor–kaya paano pa kung hindi pumabor sa kanya ang ang resulta ng hearing?

Tsk, tsk, tsk. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here