Home METRO 7 tripulante ng barko arestado sa pagnanakaw ng diesel sa Talisay City

7 tripulante ng barko arestado sa pagnanakaw ng diesel sa Talisay City

335
0

CEBU, Philippines – Arestado ang pitong tripulante ng isang shipping company dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga produktong petrolyo, kabilang ang diesel fuel, sa Barangay San Isidro, Talisay City, dakong alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkules, Agosto 20, 2025.

Kabilang sa mga nahuli ang isang 57-anyos chief mate mula sa Barangay Luray, Toledo City; isang 46-anyos third engineer mula sa Marikina Heights, Marikina City; at isang 59-anyos chief engineer mula sa Barangay Block 1 Sawata, Caloocan City.

Arestado din ang dalawang oiler—isang 24-anyos na lalaki mula sa Barangay Banago, Bacolod City, at isang 32-anyos na lalaki mula sa Barangay Nasipit, Talamban, Cebu City—pati na rin ang isang 67-anyos na kapitan ng barko mula sa Danigbatan Street, New Lucena, Iloilo City, at isang 35-anyos na third mate mula sa Barangay Solingon, San Juan, Siquilingon.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-7, ang pag-aresto ay kasunod ng tawag ng isang kinatawan ng Human Resources Department ng shipping company, na nag-ulat na nahuli ang mga suspek sa aktong sumisipsip ng gasolina.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng CIDG-7 at inaresto ang mga suspek na nakakulong ngayon sa CIDG-7 detention facility.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang isasampang kaukulang kaso laban sa mga indibidwal na sangkot. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here