Home METRO Bisa ng Health Certificate sa Maynila, ibinalik sa 1 taon

Bisa ng Health Certificate sa Maynila, ibinalik sa 1 taon

322
0

MANILA, Philippines – Agad tinupad ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang binitiwang pangako sa may 150 fast food managers na nagtungo sa Manila City Hall matapos nitong ibalik muli ang dating ipinaiiral na panuntunan na nasa loob ng isang taon ang magiging bisa ng health certificates.

Ito ay matapos aprubahan ng Manila City Local Health Board ang pagbabago sa panuntunan kung saan dati ay nae-expired ang lahat ng health certificates ng Disyembre 31, kahit ilang linggo o araw pa lamang itong nakukuha.

Sa pahayag ni Domagoso, hindi na kailangang magpa-renew kaagad ng kanilang health certificates ang mga may-ari ng negosyo at kanilang manggagawa hangga’t hindi ito umaabot ng isang taon.

“Kapag inisyuhan ka ng health certificate, and if it is valid for one year, no matter what month you acquired, it will not expire December 31, it will be expiring on the day, one year after the issuance,” paliwanag ng alkalde.

Ayon kay Yorme, magiging simple at episyente ang lahat ng mga transasksiyon ng mga nagnenegosyo sa lungsod at mababawasan na rin ang hindi kailangang gastusin at abala ng mga kawani at may-ari ng mga negosyo sa Maynila. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here