Home NATIONWIDE Ex-CIDG chief Macapaz nahaharap sa reklamong administratibo sa kaso ng missing sabungeros

Ex-CIDG chief Macapaz nahaharap sa reklamong administratibo sa kaso ng missing sabungeros

303
0

MANILA, Philippines – Sinampahan ng reklamong administratibo si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Brig. Gen. Romeo Macapaz sa harap ng National Police Commission (Napolcom) matapos itong akusahan na gumawa ng kaso laban sa isang whistleblower.

Ang whistleblower na si Julie Patidongan, o kilala bilang si Dondon o Totoy, at kapatid nitong si Elakim, ay naghain ng reklamo laban kay Macapaz sa Napolcom noong Agosto 14.

Inakusahan ng mga Patidongan si Macapaz na sinubukan silang idawit bilang mga mastermind sa pagdukot sa nasa 34 na sabungero sa pagitan ng 2021 at 2022.

Nitong Biyernes, Agosto 22, naghain ng reklamo ang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ng NAPOLCOM laban kay Macapaz sa Legal Affairs Service para sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Dati nang nanindigan si Macapaz at Philippine National Police na hindi nila intensyong sampahan ng reklamo ang mga Patidongan kundi ay upang makapasok ang mga ito sa witness protection program.

Noong Hulyo 28, inilipat ang dating CIDG chief na ngayon ay nagsisilbing director ng Police Regional Office Soccsksargen (PRO 12). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here