Home NATIONWIDE Pasok sa korte sinuspinde ng SC

Pasok sa korte sinuspinde ng SC

266
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Wala nang pasok sa ilang mga Korte sa Metro Manila ngayong hapon ng Biyernes, Agosto 22, matapos suspindihin ng Korte Suprema dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa ilang mga kalsada.

Batay sa inilabas na memorandum ng SC, hanggang ala-una ng hapon lang ang trabaho sa mga first at second level courts sa mga lungsod ng Mandaluyong, Makati, Manila, Muntinlupa, Pasay at Taguig.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado, abogado at litigants na hirap makabiyahe dahil sa baha at sama ng panahon.

Pero nilinaw ng Korte Suprema na kung may mga madaliang kaso tulad ng piyansa o release order, tuloy pa rin ang pagproseso.

Habang maaaring ituloy pa rin ng ibang mga hukom na may nakatakdang hearing ang kanilang sesyon. Jocelyn Tababgcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here