Home OPINION DIRECTOR NA DUHAPANG SA PERA AT KAPANGYARIHAN

DIRECTOR NA DUHAPANG SA PERA AT KAPANGYARIHAN

250
0

PINIPILIT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagosa na muling ibalik ang ningning ng kanyang minamahal na lungsod na nababoy noong bago pa man siya maupong muli bilang pinakamataas na opisyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Siyempre, maraming epal ang nakisawsaw sa mga ginagawa ni Mayor Isko na pagpapapogi. Okay lang si Isko na magpapogi dahil totoong pogi naman si Yorme bukod pa sa talagang trabaho niya ang isaayos ang kanyang pinamumunuang lungsod.

Pero ang karamihan sa mga nakapaligid sa kanya, panay-panay din ang papogi kay Yorme dahil sa kahustuhang ma-very good ni Mayor Isko. Panay ang bigay kay Yorme ng mga impormasyon kaugnay sa mga malapit sa mga kalaban ni POGI sa pulitika.

Panay naman SALTO ang ibinibigay na impormasyon kay Yorme na ang talagang layon ay pagalitin ng todo ang alkalde ng Maynila.

Isa na rito ang director ng isang tanggapan na akala mo kung sino umasta at magbigay ng utos sa mga pulis. Natataranta ang mga pulis lalo na ang mga nakatalaga sa SMART dahil sa direktang tumatawag kay Mayor Isko ang opisyal na ito para magbigay ng impormasyon o sumbong .

Ang sumbong ang iniiwasan ng mga pulis dahil mahusay maghabi ng kasinungalingan ang direktor na ito. Puro pabor sa kanya ang mga sumbong kaya naman napagagalitan ni Yorme ang mga pulis.

Ang director na ito ay maraming kalokohang ginagawa kahit noon pa man. Pero ang kalokohan niya ay puro kaugnay sa pagkakaperahan.

Alam kaya ni Yorme na gumagawa ito ng pera para sa pansarili niyang pakinabang pero inaakala ng mga tao na utos ng alkalde dahil lagi nitong kaladkad ang pangalan ng huli.

Bukambibig na ng opisyal na ito na “sabi ni Yorme, bilin ni Yorme at utos ni Yorme.”

Dahil akala ng butihin alkalde ng Maynila na totoong “concern” sa kanyang tungkulin itong kanyang “sundalo” kaya naman todo bilib siya rito at pinaniniwalaan ng mga sinasabi.

Naku, dapat mag-ingat si Yorme Kois dahil baka isang araw magising na lang siya na ubos na ang botante niya sa Maynila dahil sa katarantaduhan ng “bugoy” na ito. Maraming galit na sa ungas na opisyal na ito na walang inisip Kundi paano lalaki ang kanyang kita.

Duhapang na sa kapangyarihan, duhapang pa sa pera. Sana lang sumalto itong bugok na ito at mabuking ni Mayor Moreno.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here