Home NATIONWIDE PNP nakipag-ugnayan sa Interpol sa paghuli sa mga Hapong pumatay ng mga...

PNP nakipag-ugnayan sa Interpol sa paghuli sa mga Hapong pumatay ng mga kababayan sa Maynila

287
0

MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa International Criminal Police Organization (Interpol) para arestuhin ang Japanese “boss” na umano’y umupa ng mga hitmen para patayin ang dalawa niyang kababayan sa Maynila.

Nauna nang sinabi ng Manila Police District (MPD) na isa sa mga suspek ang nag-claim na ang isang indibidwal na nakabase sa Japan ay kinontrata sila ng P9 milyon.

Sinabi ni Chief Gen. Nicolas Torre III, “The coordination is already ongoing,” nang tanungin ukol sa pakikipag-ugnayan ng PNP sa Interpol.

“We’ll do everything that we have to do so that we can completely give justice to the victim,” dagdag pa niya.

Binaril ang dalawang dayuhan sa Malate noong Agosto 15.

Ang magkapatid na Albert, 50, at Abel Manabat, 62, ay inaresto noong Lunes at sinampahan ng kasong murder sa harap ng city prosecutor noong Martes.

Ang ikatlong suspek ay tinutugis pa rin ng pulisya, sabi ng MPD. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here