Home HOME BANNER STORY Palasyo sa budget insertion ni Sandro: Pondo ng bayan dapat gamiting mabuti

Palasyo sa budget insertion ni Sandro: Pondo ng bayan dapat gamiting mabuti

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Palasyo na lahat ng mga proyektong pinondohan sa 2027 national budget ay dapat na may tamang mga detalye, dahil bubusisiin ni Pangulong Ferdinand marcos Jr. ang lahat ng ito nang walang exception, kahit pa ang kanyang anak na si House Majority Leader Sandro Marcos.

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Claire Castro kaugnay sa budget insertions na iniuugnay kay Sandro Marcos at sinabing ang anumang insinuation ay premature pa, dahil ang budget ay kailangan pang dumaan sa buong legislative process.

Sa kabila nito, walang proyektong aaprubahan na may kulang-kulang na detalye.

“Ang pondo ng bayan ay dapat pakinabangan ng sambayanan, iyan ang utos ng Pangulo. Kung may kailangan na mabigay na mga detalye, hindi—uulitin ko po, itong aking pagsagot ay hindi lamang para sa isyu ni Congressman Sandro Marcos; ito po ay sa lahat ng mga mambabatas na siyang mayroong power of the purse,” sinabi ni Castro.

“Hindi po pipikitan ng Pangulo ang mga proyektong alam nilang walang detalye. So, doon po sa mga nagbabantay sa budget, kailangan namin ang tulong ninyo. Hindi po kayo makakasira sa gobyerno. Kapag may nakita po kayo na dapat tapikin, na dapat pagtuunan ng pansin, sabihin lang po ninyo at nakikinig ang Pangulo,” dagdag pa niya.

Hindi rin sinang-ayunan ni Castro ang ilang headline na nagpapakitang tila ipinagtatanggol niya ang kongresista.

Ayon sa People’s Budget Coalition, nakita nito ang mahigit P1 trilyong “red flags” sa proposed 2027 budget, at ang pinakamalaki umanong bulto ng infrastructure insertion na P4.37 bilyon ay inilaan sa distrito ni Sandro Marcos. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here