Home HOME BANNER STORY China, US, Russia nagkasundo sa deklarasyon para sa kapayapaan matapos ng makasaysayang...

China, US, Russia nagkasundo sa deklarasyon para sa kapayapaan matapos ng makasaysayang summit

1
0

SHENZHEN, China – Naglabas ng magkasanib na “Declaration toward Peace” ang China, United States at Russia nitong Huwebes matapos ang kauna-unahang summit ng kanilang mga lider na sina Chinese President Xi Jinping, US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Kabilang sa mga napagkasunduan ng tatlong lider ang pagsusulong ng reporma sa United Nations (UN), pagpapanatili ng pandaigdigang seguridad at pagtiyak na hindi aabusuhin ng International Criminal Court (ICC) ang hurisdiksiyon nito.

Ayon sa pahayag ng White House, nagkaroon ang tatlong lider ng masusing talakayan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mundo at nangakong panatilihin ang estratehikong katatagan at seguridad sa buong daigdig.

Sinabi naman ni Putin na tinalakay nila ang konsepto ng demokrasya at ang liberal order na umano’y ipinipilit ng ilang grupo sa buong mundo.

Ayon kay Xi, iisa ang pananaw ng tatlong bansa sa pangangalaga sa kapayapaan ng mundo. Tinawag naman ni Trump na makasaysayan ang kanilang pagpupulong, habang sinabi ni Putin na nakapagtala sila ng bagong pahina sa kasaysayan ng diplomasya.

Sa kanilang deklarasyon, binigyang-diin ng tatlong bansa ang kahalagahan ng paggalang sa soberanya ng mga estado at immunity ng mga opisyal ng pamahalaan. Sinabi rin nilang hindi dapat abusuhin ng ICC at iba pang katulad na institusyon ang kanilang kapangyarihan.

Si Putin ay may kinakaharap na arrest warrant mula sa ICC, habang nangako naman ang administrasyong Trump na unti-unting aalisin ang naturang korte.

Napagkasunduan din nilang isulong ang reporma sa UN upang mas maging epektibo ito sa pagtugon sa mga pandaigdigang hamon.

Kabilang pa sa mga napag-usapan ang pagpapalakas ng suplay at produksyon ng mga produktong petrolyo, pagpapanatili ng matatag na daloy ng enerhiya, at pagsasagawa ng diyalogo upang mabawasan ang panganib ng paggamit ng mga sandatang nukleyar at maiwasan ang paglaganap ng mga ito.

Samantala, nagpahayag ng pag-aalinlangan ang ilang lider sa Europe sa naging resulta ng summit. Tinawag ni German Chancellor Friedrich Merz na “photo op” ang pagpupulong, habang sinabi ni French President Emmanuel Macron na hindi ito hahantong sa muling pagsasaayos ng pandaigdigang kaayusan.

Nagkaroon din ng magkahiwalay na pagpupulong sina Trump at Putin, at sina Trump at Xi. Sa pag-uwi ni Trump sa Washington, nakipag-ugnayan din siya sa mga lider ng Europe upang talakayin ang digmaan sa Ukraine at ibahagi ang resulta ng summit. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here