Home NATIONWIDE Kaso ng HFMD pitong beses mas mataas kumpara noong 2024 – DOH

Kaso ng HFMD pitong beses mas mataas kumpara noong 2024 – DOH

332
0

MANILA, Philippines – Umakyat sa 37,368 ang kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa bansa mula Enero hanggang Agosto 9, 2025, o pitong beses na mas mataas kumpara sa 5,081 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2024, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos, kalahati ng mga kaso ngayong taon ay pawang mga bata edad 1 hanggang 3.

Ipinaliwanag ni Health Secretary Ted Herbosa na karaniwang banayad ang sakit at mabilis kumalat sa mga batang wala pang limang taong gulang sa pamamagitan ng direct contact.

“It’s by contact, so you can get infected if you touch the rash or the blister or the ulcer or the steam. When you touch it or share something, the spoon, the fork, the utensils you use to eat,” paliwanag ni Herbosa sa panayam sa DZMM nitong Sabado, Agosto 23.

Dagdag pa niya, kusang gumagaling ang pasyente makalipas ang isang linggo kaya’t mahalaga ang isolation upang maiwasang mahawa ang ibang bata.

Wala pang bakuna laban sa HFMD sa Pilipinas, maging sa US at Europe, maliban sa mga produktong inilalabas ng China na hindi pa aprubado rito.

“Maybe if self-limiting within 7 days is not fatal, maybe we will not spend money on the vaccine,” dagdag pa ni Herbosa.

Pinayuhan niya ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, lalo na ang mga bata, upang makaiwas sa sakit.

Kabilang sa sintomas ng HFMD ang lagnat, mouth sores, sore throat, at rashes sa palad at talampakan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here