Home NATIONWIDE Zambo del Sur mayor nanawagan ng imbestigasyon sa nasirang flood control dike

Zambo del Sur mayor nanawagan ng imbestigasyon sa nasirang flood control dike

246
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Kumalarang, Zamboanga del Sur Mayor Ruel Molina ng imbestigasyon sa isang flood control dike sa Barangay Boyugan East na nagkakahalaga ng P19.6 milyon matapos itong bumigay at magdulot ng pagbaha noong Mayo 17.

Ayon kay Molina, hindi kinaya ng dike ang rumaragasang tubig na nagbunsod ng pagbaha sa limang barangay, dahilan upang lumikas ang tinatayang 1,300 pamilya.

Iginiit ng alkalde na hindi lamang nasayang ang pera ng bayan dahil sa umano’y mababang kalidad ng pagkakagawa, kundi nalagay rin sa panganib ang buhay ng mga residente.

Binanggit din ni Molina na bagong tapos ang proyekto nang masubok ito ng flash flood, at agad lumitaw ang kahinaan ng istruktura.

Dagdag niya, walang naging maayos na koordinasyon sa lokal na pamahalaan kaugnay ng proyekto na red flag aniya at agad na iniulat sa DPWH-Region 9.

Gayunman, bukod sa pangakong iimbestigahan, wala pa ring konkretong aksyon ang DPWH-9 hanggang ngayon, ayon kay Molina.

Batay sa tala ng municipal engineer’s office, ang Boyugan East flood control project ay isinagawa ng JZL Builders and Enterprises at kalaunan ay isinub-contract sa SEVERS Construction.

“Ang mamamayan ng Kumalarang ay nananawagan ng transparency at accountability,” giit ni Molina. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here