Home NATIONWIDE Komedyante humarap sa NBI sa kontrobersyal na biro sa mga bata: ‘wag...

Komedyante humarap sa NBI sa kontrobersyal na biro sa mga bata: ‘wag seryosohin

1
0

MANILA, Philippines — Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, Nobyembre 27, ang komedyanteng si JP Aguilera upang magpaliwanag kaugnay ng kanyang kontrobersyal na biro tungkol sa mga bata at palaruan na inalmahan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Sumunod si Aguilera, miyembro ng Pencilbox Comedy, sa subpoena ng NBI-Violence Against Women and Children Division matapos umani ng batikos ang kanyang social media post na binigyang-kahulugan ng ilan bilang may seksuwal na pahiwatig tungkol sa mga menor de edad.

“Ang sa akin, ang ano ko doon is dapat hindi siya taken seriously. Tsaka ‘yun nga, na-misinterpret siya,” ani Aguilera sa isang interbyu.

Ipinaliwanag niyang bilang isang manunulat, nauunawaan niya ang responsibilidad sa paggamit ng mga salita at nais lamang niyang linawin ang tunay na intensyon ng kanyang pahayag.

Ayon kay Aguilera, pinili niyang humarap sa NBI upang maipaliwanag nang maayos ang kanyang panig sa halip na makipagtalo sa social media.

“Sabi ko, ito ‘yung proper forum. Kesa magsasagot ako online,” aniya.

Iginiit din niyang bahagi ng kanyang estilo bilang komedyante ang dark humor, na maaaring hindi katanggap-tanggap sa lahat ng manonood.

Bagama’t iginagalang niya ang damdamin ng mga nasaktan sa kanyang biro, nanindigan siyang wala siyang intensyong magbigay ng seksuwal na pahiwatig tungkol sa mga bata.

Nauna nang kinondena ng Council for the Welfare of Children (CWC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paggamit ng mga menor de edad bilang paksa ng mga birong may seksuwal na kahulugan.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, bagama’t kinikilala ang kalayaan sa malikhaing pagpapahayag, hindi dapat gawing katatawanan ang mga bata sa paraang maaaring magbigay ng maling pananaw tungkol sa kanilang kaligtasan at dignidad.

Patuloy namang sinusuri ng NBI ang reklamo at mga paliwanag ni Aguilera upang matukoy kung may sapat na batayan para sa kaukulang legal na aksyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here