Home METRO Magtiyuhin patay nang magtagaan sa Negros

Magtiyuhin patay nang magtagaan sa Negros

241
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaking magtiyuhin matapos na magtagaan sa Bais City, Negros Oriental.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente noong Huwebes kung saan may dala-dalang dalawang itak ang suspek saka sumugod at nag-amok sa bahay ng kanyang pinsan.

Dito na lumabas ang tiyuhin nito upang umawat ngunit maging ito ay inundayan ng taga ng suspek.

Sugatan ngunit naagawa ng biktima ang isa pang itak bago gumanti ng taga na ikinamatay ng suspek.

Sa kabila nito, nasawi din ag biktima dahil sa tinamong sugat nito sa katawan.

Ayon sa mga awtoridad, may kondisyon sa pag-iisip ang suspek at dati na ring nakaalitan ang pamilya ng biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here