MANILA, Philippines – Halos limang beses ang dami ng sulfur dioxide na ibinubuga ng Bulkang Kanlaon noong Linggo kumpara noong nakaraang araw, base sa 24-hour monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na ang bulkan ay naglabas ng 3,683 tonelada ng sulfur dioxide noong Linggo, isang makabuluhang pagtaas mula sa 703 tonelada noong Sabado.
Ang bulkan ay nagkaroon din ng 11 volcanic earthquakes noong Linggo, kumpara sa apat noong Sabado.
Ang bulkan, na nasa pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental, ay nananatiling nasa alert level 2.
Kaya naman, ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone at mga flight sa paligid ng bulkan.
Binalaan din ng Phivolcs ang mga kalapit na residente sa mga posibleng panganib tulad ng phreatic eruptions at precursory magmatic activity.
61 pamilya ang nanatili sa mga evacuation tent nang mahigit walong buwan matapos pumutok ang bulkan noong Disyembre 2024, nakauwi noong Agosto 14. Binigyan sila ng go signal matapos ibaba ang alert level ng bulkan sa mula 3 hanggang 2 noong Hunyo 29.
Bago ito, humigit-kumulang 1,500 residente ng La Castellana, Negros Occidental na naninirahan sa loob ng anim na kilometrong expanded danger zone ang inihatid pauwi ng mga sasakyan ng gobyerno noong Agosto 1 habang humigit-kumulang 1,400 residente ng Canlaon City, Negros Oriental ang umuwi rin noong Hulyo 31. RNT/MND