Home METRO Aso, nangagat ng 11 katao sa Bataan

Aso, nangagat ng 11 katao sa Bataan

261
0

BATAAN, Philippines – Nasa labing isang katao ang inulat na nadamba, nakalmot at kinagat ng isang nagwawalang aso (na-ulol), habang dalawang kambing din nakagat pa nitong sabado ng hapon sa National Housing Authority-Hermosa Ville, Barangay Mabuco, Hermosa, Bataan.

Humingi ng responde ang mga residente sa mga otoridad (MDRRMO) matapos mabulabog sa pag-atake ng nagwawalang aso sa mga makikita at makasalubong ng hayop na nagdaraan sa nabanggit na Lugar.

Umabot sa labing Isang katao ang nabiktima ng mabangis na aso na isinugod sa pagamutan para maturukan ng Anti-Rabbies vaccination.

Habang dalawang kambing din ang napag-alamang inilibing makaraan makagat ng nagwawalang aso.

Napatay din ang nagwawalang aso para mapigilan ang pag-atake nito sa mga residente.

Sa mabilis na naging pagsusuri ng Provincial Veterinary Office, nagpositibo sa Rabbies Virus ang na-ulol na aso.

Pinaalalahanan naman ng Hermosa Local Government Unit (LGU) ang mga residente na itali ang kanilang mga alagang aso, gayundin ang dapat na wastong kaalaman at pag-iingat sa kagat ng mga hayop gaya ng aso at pusa na posibleng may taglay na Rabbies.

Bukod pa dito ang pamamahagi ng LGU ng libreng “Tali” para sa kaniang mga alagang aso. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here