MANILA, Philippines - Nagsagawa ng die in protest at pag bato ng kamatis sa mga replika ng mga barko ng China, ang mga kabataan sa pamumuno ng FDNY Movement sa harapan ng embahada ng China, kasabay ng paggunita ng araw ng mga Bayani.Mahigpit na pag kundena sa patuloy na pangbubully, panghaharas, at pagbuga ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard noong ika-11 ng Agosto, sa loob ng karagatan ng
Bajo Masinloc Zambales, na nagsasagawa lamang ng proyektong `Kadiwa para sa bagong bayaning mangingisda' sa kapakanan ng mangingisdang
pilipino sa West Philippine Sea. CESAR MORALES