Home METRO NavoRun pinasinayaan

NavoRun pinasinayaan

211
0

ITINANGHAL ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ikalawang edisyon ng NavoRun, nitong Linggo sa Navotas Centennial Park.

Umabot sa 636 runners ang sumali sa 16-kilometer at 8-kilometer
categories fun run na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod sa
pakikipagtulungan sa Backpack Runners.

AABOT sa 636 ang nakilahok sa NavoRun 2025 na inorganisa ng Navotas City Tourism and Cultural Affairs Office kasama ang Backpack Runners, bilang taunang run for a cause. Mapupunta ang proceeds sa Josefheim Foundation at sa Navotas Drum and Bugle Corps. JOJO RABULAN

Unang inilunsad ang NavoRun noong 2024 na naging taunang run for a cause, na pinagsama ang fitness, sports tourism, at community service.

Ang kikitain nito ay pakikinabangan ng Josefheim Foundation na
sumusuporta sa mga may sakit, matatanda at Navotas Drum and Bugle Corps, isang grupong naghahasa ng talento sa musika.

Ayon Kay Mayor John Rey Tiangco, layon nito na maisama ang lungsod sa mapa bilang isang running destination na binabanggit ang lumalagong running culture nito sa kahabaan ng C4 Road at R-10 kung saan regular na tumatakbko, nagbibisikleta at nag-eehersisyo ang mga residente.

“Hinihikayat natin ang lahat na ipagpatuloy ang ganitong mga gawain, at isulong pa natin ang aktibo at malusog na pamumuhay,” aniya.

Sa 16-kilometer male category, nasungkit ni Pinmark Balagon ng
Mandaluyong ang championship, na sinundan nina Redie Kim at Symon Santos, kapwa ng Navotas.

Para sa female division, nanguna sa karera si Lorelyn Magalona ng Dasmariñas, Cavite, pumangalawa si Kimberly Ilustrisimo ng Navotas at pangatlo naman si Marjorie Tan ng Dasmariñas, Cavite.

Ang 8-kilometer male category ay pinamunuan ni Aljur Rendon ng Quezon City, nanguna kay Cyrus Lasibal ng Malabon at Merck Jounes Tribo ng Pulilan, Bulacan.

Sa female division, si Renelyn Tribo ng Pulilan, Bulacan ang nanguna na sinundan nina Aubrey Mata ng Malabon at Sophia Yurango ng Imus, Cavite.

Sa 317 runners sa 16-kilometer race at 319 sa 8-kilometer race, ang turnout ngayon taon ay nagpatibay sa lumalagong reputasyon ng NavoRun’s bilang parehong tradisyon ng komunidad at isang showcase potensyal ng lungsod bilang hub para sa sports and wellness tourism. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here