Home HOME BANNER STORY Higit 50K apektado sa bagyong Isang, Habagat – NDRRMC

Higit 50K apektado sa bagyong Isang, Habagat – NDRRMC

335
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 50,678 ang apektado ng Tropical Cyclone Isang at Southwest Monsoon o Habagat.

Katumbas ito ng 11,374 na pamilya sa iba’t ibang rehiyon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Agosto 25.

Sa ulat, sinabi ng NDRRMC na ang mga apektado ay mula sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng apektadong indibidwal ay ang BARMM sa 24,911 katao o 5,013 pamilya

Sa kabuuang bilang ng mga apektadong populasyon, sinabi ng NDRRMC na 1,203 katao o 329 pamilya ang tumutuloy sa evacuation centers habang ang 24,075 katao o 4,815 pamilya ang nasa ibang lugar.

Nananatiling nakalubog sa baha ang tatlong lugar sa BARMM, habang humupa na ang baha sa 27 lugar sa National Capital Region (NCR).

Mayroon namang dalawang tirahan ang bahagyang napinsala sa CAR at SOCCSKSARGEN dahil sa epekto ng bagyong Isang at Habagat.

Nakapamahagi na ang pamahalaan ng P1,706,045 sa mga biktima ng bagyo at Habagat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here