Home NATIONWIDE 4-car Dalian train ginagamit na sa MRT-3

4-car Dalian train ginagamit na sa MRT-3

331
0

MANILA, Philippines – Ginagamit na ang four-car Dalian train sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Agosto 26.

“Mas mabilis nang makasasakay ng tren ang mga pasahero matapos mag-deploy ng four-car Dalian train ang MRT-3 sa unang pagkakataon ngayong araw, August 26,” saad sa pahayag ng DOTR.

Ang four-car Dalian train ay ginamit na matapos makapasa sa safety checks.

Sa ikaapat na bagon, inaasahan na mababawasan ang pila ng mga pasahero dahil ang kapasidad ng bawat Dalian train ay nasa 500.

Tatakbo ang Dalian train sets tuwing rush hour o mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

“Halos singkwentang dagdag na karwahe ang natengga nang sampung taon. Sayang ang pera. Sayang ang isang dekada. Pero ngayon, naayos na natin. Ang tatlong bagon ay nagagamit na ngayon. Asahan ninyo, ang ilan sa apatnapu’t lima ay magagamit na rin natin bago matapos ang taong ito; at ang iba ay sa susunod na taon naman,” matatandaang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong Hulyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here