MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Martes, Agosto 26 na ang debris mula sa Long March 8A rocket launch ng China ay bumagsak sa dagat malapit sa Basilan, Tubbataha Reef, at Recto Bank malapit sa Palawan.
“Expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones approximately 130 [nautical miles] away from El Nido, Palawan, 55 NM away from Tubbataha Reef Natural Park, and 27 NM away from Hadji Muhtamad, Basilan,” saad sa abiso ng PhilSA.
Ibinahagi ang detalye ng rocket drop zone sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NOTAM) warning ng ‘aerospace flight activity.’
Bago ang paglulunsad, sinabi ng PhilSA na nagpalabas na ng pre-launch report ang ahensya sa mga kinauukulan.
Hindi naman inaasahan ang pagbagsak ng debris sa anumang kalupaan ng Pilipinas. RNT/JGC