Home HOME BANNER STORY Ilang korte, #WalangPasok sa Nob. 4 — SC

Ilang korte, #WalangPasok sa Nob. 4 — SC

4
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng ilang korte sa bansa ngayong Miyerkules, Nobyembre 4, dahil sa local holidays at power interruptions, ayon sa Supreme Court.

Kabilang sa mga walang operasyon ang lahat ng korte sa lalawigan ng Quezon bilang paggunita sa death anniversary ng lokal na bayaning si Apolinario dela Cruz o Hermano Puli.

Suspendido rin dahil sa power interruption ang operasyon ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Camalig-Jovellar sa Albay at Municipal Trial Court (MTC) ng Minalabac sa Camarines Sur.

Wala ring operasyon ang lahat ng korte sa San Carlos City, Negros Occidental dahil sa taunang pista ng lungsod.

Samantala, suspendido rin ang operasyon ng lahat ng korte sa Bohol bilang paggunita sa birth anniversary ng yumaong Pangulong Carlos P. Garcia.

Ang mga naturang korte ay sakop ng Judicial Regions 4-A, 5, 6 at 7. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here