MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kasali sa WorldSkills Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) competition na pagsilbihan ang kani-kanilang bansa at tumulong na pagtibayin ang pagkakaisa sa hanay ng mga member states sa pamamagitan ng kanilang kakayahan.
“Medals may shine today, but it is your skills that will shape your future. Serve your country and help build a more united ASEAN community,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa opening ceremony ng Worldskills ASEAN sa Pasay City.
Ang bansa ang magho-host ng 14th Worldskills ASEAN competition mula Aug 26 hanggang 28, 2025 sa Pasay City’s World Trade Center at Philippine Trade Training Center.
Inilarawan naman ng Pangulo ang kasanayan bilang “new global currency,” sabay sabing ito’y “foundation of innovation” at “engine of industry.”
“Skills are more valuable than oil, more enduring than gold, more transformative than any technology,” ang sinabi ng Pangulo.
“In a heavily interconnected and changing world, true success depends on the skills, the knowledge, and the creativity of our people,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, may kabuuang 259 participants mula sa siyam na ASEAN member states ang maglalaban-laban sa 32 skill areas sa anim na iba’t ibang sektor gaya ng ‘technology at hospitality.’
Ang mga bansang ito ay ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, at Thailand at Pilipinas. ang Timor-Leste ay magiging isang observer state.
Samantala, “Vietnam has withdrawn from this year’s competition due to funding limitations brought about by institutional reorganization,” ayon sa WorldSkills ASEAN’s website.
Matatandaang, unang nag-host ang Pilipinas ng WorldSkills ASEAN noong 1996. /Kris Jose