Home NATIONWIDE Pag-auction ng 100K metriko tonelada ng bigas ipinag-utos ni PBBM

Pag-auction ng 100K metriko tonelada ng bigas ipinag-utos ni PBBM

258
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalabas ng nasa 100,000 metriko tonelada ng bigas para mapanatili ang suplay at mapalakas ang food security ng bansa, ayon sa Malakanyang nitong Miyerkules, Agosto 27.

Sa briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na nakatakdang maglabas ang Department of Agriculture ngayong linggo ng nasa 1.2 milyong bag o 100,000 metriko tonelada ng lokal na bigas sa pamamagitan ng auction.

“Inaasahang aabot sa P25 to P28 per kilo ang floor price ng bigas, depende sa edad nito. Layunin din ng auction na paluwagin ang mga bodega para makapag-imbak pa ng karagdagang supply ng bigas—ibig sabihin lamang nito ay maganda ang ani ng ating mga magsasaka,” ani Castro.

Inanunsyo rin ni Castro ang paglalabas ng hindi pa tukoy na dami ng bigas upang palawakin ang “Benteng Bigas, Mayroon Na” program ng Marcos administration. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here