Home METRO Kelot, utas sa live wire sa Ilocos Sur

Kelot, utas sa live wire sa Ilocos Sur

268
0

ILOCOS SUR, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 37-anyos na lalaki samantalang nasa ospital pa rin ang 39-anyos na kasama nito matapos silang makuryente nang aksidenteng mahawakan ng isa sa kanila ang isang live wire sa pinagtatrabahuhan nila sa Brgy. Calautit, Sto. Domingo ng lalawigang ito kahapon, Agosto 27.

Ayon sa Sto. Domingo Municipal Police Station, ang namatay na biktima ay residente ng Brgy. Guimod, Bantay, Ilocos Sur samantalang ang isa pang biktima na nasa stable na ang kalagayan sa ospital ay residente naman ng Brgy. Ayusan Norte, Vigan City, Ilocos Sur.

Gamit ang metal pipe ay gumagawa ng daanan ng tubig (waterways) sa naturang lugar ang dalawang biktima at mga iba pang kasamahan nila.

Nang oras na ng meryenda, magkatabing umupo ang dalawang biktima at habang nakaupo ay may nahawakan na live wire ang isa sa mga biktima kaya nakuryente sila.

Agad na isinugod sa Magsingal District Hospital ang dalawa.

Gayunman, ang isa sa dalawang biktima ay nalagutan ng hininga habang sinisikap na isalba ng umatending doktor. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here