Home NATIONWIDE 12,775 indibidwal tinulungan ng Red Cross sa Undas 2026

12,775 indibidwal tinulungan ng Red Cross sa Undas 2026

2
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 12,775 indibidwal ang natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa sa isinagawang Undas Operations 2026.

Ayon sa final report ng PRC, 12,180 sa kanila ang sumailalim sa vital signs monitoring, 548 ang ginamot sa minor medical cases, 32 ang nirespondehan sa major emergencies, at 15 ang dinala sa ospital.

Para matiyak ang mabilis na pagtugon, nagpakalat ang PRC ng 2,357 staff at volunteers, na sinuportahan ng 432 first aid stations, 159 welfare desks, 159 Volunteers for Emergency Response and Vehicles (VERV), 80 ambulansya, 80 scooters, 79 foot patrol units, at iba pang kagamitan.

Pinuri ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon ang sakripisyo ng mga volunteer na iniwan ang kani-kanilang pamilya para magbantay sa mga sementeryo, kalsada, at terminal.

“Maraming pamilya ang naglaan ng panahon ngayong Undas upang alalahanin ang kanilang mga mahal sa buhay… siniguro naman ng PRC na may handang tumulong,” ani Gordon, sabay giit sa islogan ng ahensya na “Always First, Always Ready, Always There.”

Binigyang-diin naman ni Secretary General Dr. Gwendolyn Pang ang maayos na koordinasyon, logistics at teknolohiya na nagpatagumpay sa operasyon sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here