Home METRO Buntis, 4 pa sugatan sa karambola ng 4 sasakyan sa NLEX

Buntis, 4 pa sugatan sa karambola ng 4 sasakyan sa NLEX

329
0

BULACAN, Philippines – Limang katao ang sugatan kabilang ang isang buntis matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) bahagi ng lungsod ng Meycauayan.

Naganap ang insidente pasado alas- 3 ng madaling nitong Agosto 28 sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa report, aksidenteng nabangga ng kotseng asul na minamaneho ng 22 anyos ang kotseng itim kaya ito tumama sa truck at taxi bago tuluyang bumaligtad.

Agad dinala sa pagamutan ang sugatang buntis at ang kanyang kasama na lulan ng kotseng itim at ang tatlo pang pasahero ng kotseng asul.

Sinasabing bumigat ang daloy ng trapiko ng mga oras na ito sa northbound lane na umabot hanggang Paso de Blas, Valenzuela at kalaunan bumalik din sa normal nang maitabi ang mga sasakyang nagkarambola.

Napag-alamang nai-turn over na ng mga tauhan ng NLEX ang mga driver at mga sasakyang sangkot sa insidente sa istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here