Home NATIONWIDE Taiwan, di’ kinikilala ng PH bilang sovereign state

Taiwan, di’ kinikilala ng PH bilang sovereign state

308
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng gobyerno ng Pilipinas nitong Huwebes na hindi nito kinikilala ang Taiwan bilang isang “sovereign state,” ilang linggo matapos binatikos ng China si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa “playing with fire” sa isyu ng Taiwan.

Inaangkin ng China na ang Taiwan ay bahagi ng teritoryo nito at nagbanta na gagamit ng puwersa para dalhin ito sa ilalim ng kontrol nito.

“The Filipino people have long-standing relations with the Taiwanese people and we therefore benefit from continued engagement with them. But just to add a little bit more, we do not recognize Taiwan as a sovereign state. We leave it to the Chinese people to resolve cross-strait matters,” ani DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro sa Senate Committee on Foreign Relations, na tinutukoy ang 1975 joint communique ng Philippines at China.

Nanawagan ang panel, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos, para sa pulong upang talakayin ang katayuan ng One-China Policy ng bansa.

“Marami pong nasindak at talagang nabigla. Ba’t naman daw gano’n? Kaya’t ito nga, kinakailangang liwanagin ng ating mga official kung ano na nga ba ang sitwasyon dito sa ating One-China Policy,” ani Sen. Marcos.

Sa unang bahagi ng buwang ito, tinawag ng China si Marcos dahil sa kanyang pahayag na “Philippines has to get involved” sakaling sumiklab ang isang malawakang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at China dahil sa posibleng pagsalakay sa Taiwan.

Sinabi ng isang opisyal na Tsino na ang mga ito ay “should not be used as pretexts to interfere in the internal and sovereign affairs of other countries,” habang pinaalalahanan nila si Marcos na ang Pilipinas ay nangangako na sumunod sa “the one-China policy.”

Ang pahayag ni Marcos ang nag-udyok sa China na maghain ng diplomatikong protesta laban sa Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here