Home METRO Bangkay ng batang babae na tinangay ng baha sa Rizal, natagpuan na

Bangkay ng batang babae na tinangay ng baha sa Rizal, natagpuan na

294
0

MANILA, Philippines – Narekober na ang bangkay ng 9-anyos na batang babae na tinangay ng malakas na agos ng baha sa Taytay, Rizal.

Ayon sa Taytay Public Information Office (PIO), ang katawan ng bata ay natagpuan 7:59 ng umaga nitong Biyernes, Agosto 29 ng search-and-rescue team na pinangunahan ng Philippine Coast Guard sa Anak Pawis Exodus floodway sa Barangay Sta. Ana.

“We extend our deepest condolences to the family in their time of grief,” saad sa pahayag ng PIO.

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga volunteer at responder na nagtulong-tulong sa tatlong araw na paghahanap sa bata.

Nauna nang iniulat ang pagkawala ng batang babae na kinilalang si “May Michelle,” na nahulog sa kanal habang naglalakad sa Pag-asa Street sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Agad na tinangay ng malakas na agos ng baha ang bata.

Kasunod nito ay naglunsad ng operasyon noong Miyerkules ngunit itinigil pagsapit ng gabi hanggang Huwebes ng umaga dahil sa pahirapan ang paghanap dito at mapanganib na kondisyon ng tubig. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here