Home NATIONWIDE Mga taga-Palawan binalaan sa malalakas na ulan dala ng Habagat

Mga taga-Palawan binalaan sa malalakas na ulan dala ng Habagat

286
0

MANILA, Philippines – Binalaan ang mga residente ng Palawan sa malalakas na pag-ulan dala ng southwest monsoon o Habagat.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Biyernes, Agosto 29, maaaring magbuhos ang habagat ng 50 hanggang 100 millimeters ng ulan sa lugar mula Agosto 29 hanggang Agosto 30.

“Forecast rainfall may be higher in mountainous and elevated areas. Moreover, impacts in some areas may be worsened by significant antecedent rainfall,” ayon pa sa Pagasa.

“The public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to take all necessary measures to protect life and property,” dagdag ng ahensya.

Dahil dito, inabisuhan ang mga residente na maging alerto sa banta ng pagbaha at landslide sa katamtaman at malalakas na pag-ulan.

Kamakailan ay sinabi ng PAGASA na posibleng maranasan ang La Niña conditions sa Pilipinas pagsapit ng Setyembre. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here