MANILA, Philippines – Arestado ang isang Chinese at dalawang Koreano matapos salakayin ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang umano’y scam hub sa Pasay City.
Nahuli ang dalawang Koreano na gumagamit ng computer para sa kanilang operasyon, habang ang Chinese na itinuturong boss ay naabutan namang nag-iimpake upang makatakas.
Batay sa reklamo ng isa pang Chinese na nakatakas umano sa hub, sila raw ay ikinukulong, pinoposasan, at pinipilit magtrabaho, ayon kay BI-FSU chief Rendel Sy.
Naniniwala ang mga awtoridad na may iba pang banyagang manggagawa na nakatakas bago ang raid, at gumagamit na umano ng “guerrilla style” ang mga grupo sa scam—nagpapanggap na magkakaibigan o magkakapamilya sa mga residential unit.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Camp Bagong Diwa. Santi Celario