Home ENTERTAINMENT Ellen, nagpaliwanag sa isyu ng P10M na utang!

Ellen, nagpaliwanag sa isyu ng P10M na utang!

300
0

Manila, Philippines — Dinenay ng dating aktres na si Ellen Adarna ang kumakalat na balita na diumano’y may utang siya ng P10M.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi niya ang screenshot ng Facebook post ng “The Scoop PH” at sinabing wala itong katotohanan.

Ayon sa naturang post, namataan si Ellen sa airport papuntang Amerika para takasan umano ang malaking pagkakautang.

“Hoy, umayos kayo. Wala akong utang ever lol. I don’t even have a US visa because I’m so praning with all the shooting there,” paglilinaw ni Ellen.

Dagdag pa niya, “Looool! Don’t me! Dami n’yong hanash!”

Sa isa pang Instagram story, ibinahagi ni Ellen na nagkaroon siya ng tatlong slip discs.

“3 slip discs. More MRI’s. Stress in life lumayo ka! Not now please.

Positivity ohhhmmm uhhhhmmmm. Health is wealth Loll!” sabi pa ni Ellen.

Samantala, pinabulaanan naman ni Cristy Fermin ang balitang hiwalay na sina Derek at Ellen.

Wala raw katotohanan ang chikang ito.

Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here