Home ENTERTAINMENT Dina, sinabihang pumasok sa nitso, naasar!

Dina, sinabihang pumasok sa nitso, naasar!

254
0

Manila, Philippines — Mismong ang paring nagbendisyon bago ilagak sa kanyang libingan ang mister ni Dina Bonnevie ang nagsabi sa aktres na sumama na sa kabilang buhay.

In her guesting on Fast Talk with Boy Abunda, inilahad ni Dina na nais na rin daw niyang sumama sa asawang si DV hanggang sa hukay.

Dina’s partner — a former public servant — passed away January this year.

Kuwento ni Dina, nasa bakasyon daw silang mag-asawa sa Japan nang banggitin niya that she wanted to “go” ahead of DV.

Kinontra ito ni DV na sinabing ayaw niyang maiwang mag-isa.

To settle the dispute, sinabi ni Dina na sabay na lang silang kunin ni Lord.

Ayon kay Dina, it took five flat lines bago tuluyang bumigay si DV sa ospital.

She had witnessed DV die.

Dumating ang araw ng libing, tulad ng inaasahan ay iyak nang iyak si Dina.

Panay ang sigaw na gusto na raw niyang sumama.

Nadinig ’yon ng pari na nagsabi sa kanya: “Gusto mong sumama, sige, pumasok ka sa nitso!”

Sey ni Dina: “Sa isip-isip ko, ‘Antipatikong pari ’to, ah!’

Sabi naman ng kapatid ko, ‘Kasi naman, iyak ka nang iyak! ’Yan tuloy ang napala mo!’”

Pero paglilinaw ng aktres, DV’s death has given her a lot of realizations in life.

Para raw narinig niya ang tinig ng Nasa Itaas na nagsabi sa kanya: “Don’t focus on the things you no longer have but on things you still have.”

Ito ngayon ang guiding principle ni Dina who’s back to work, and better than ever.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here