Manila, Philippines — Viral ngayon ang isang video kung saan nakunan ang OPM singer at socmed personality na si Jojo Mendrez na napatitig at natulala kay Joshua Garcia.
Nangyari ang pagkatulala ni Jojo kay Joshua sa 37th Star Awards for TV kamakailan kung saan nag-present ang Revival King ng trophy para sa Male and Female Celebrity of the Night.
Ang napiling lalaki ay si Joshua at ang nag-announce ng winner ay si Jojo.
Hagip sa camera na natulala siya nang makaharap ng face-to-face si Joshua at inabot niya ang cash prize.
Sabi ni Jojo, “Di ako nakapagkamay at nakapag-congrats dahil hawak ko ang mic pero nag-try siya na kamayan din ako.”
May mga netizen naman na nagsabi na bukod sa natulala ay kinilig din daw si Jojo.
Kung matatandaan, si Jojo rin ang na-link noon kay Mark Herras na nagkaroon din ng kontrobersiya, at ganoon din kay Ranier Castillo.
FYI, nakakuha rin ng award si Jojo bilang Trending Social Media Personality sa nasabing awards night.