Home NATIONWIDE Tsuper ng dyip at traysi swak na sa benteng bigas

Tsuper ng dyip at traysi swak na sa benteng bigas

254
0

MANILA, Philippines – Palalawakin ng Department of Agriculture (DA) ang ₱20 kada kilo na bigas program para makinabang ang mga jeepney at tricycle driver simula Setyembre 16.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, layon nitong tulungan ang mga tsuper na labis na apektado ng taas-presyo ng krudo. Tinatayang ₱1,800 kada araw ang ginagastos ng mga jeepney driver para sa gasolina, ayon sa grupong Piston.

Ilulunsad ang programa sa limang pilot areas, kabilang ang Navotas, kung saan maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas bawat buwan ang mga benepisyaryo na miyembro ng drivers’ associations. Mabibili rin ito sa mga city at municipal halls at Kadiwa ng Pangulo stores.

Ang ₱20 kada kilo na bigas, na isa sa mga pangako sa kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay tatakbo hanggang 2028 at target na maabot ang 15 milyong kabahayan sa buong bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here