Home NATIONWIDE Duterte Youth pasasaklolo sa Korte Suprema

Duterte Youth pasasaklolo sa Korte Suprema

328
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Maghahain ng petisyon sa Korte Suprema ang Duterte Youth sa Setyembre 1 para kuwestiyunin ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) en banc na kanselahin ang kanilang registration—na maaaring magpawalang-bisa sa kanilang panalo sa 2025 party-list race.

Pinagtibay ng Comelec ang isang petisyon noong 2019 ng ilang youth leaders para kanselahin ang registration ng Duterte Youth.

Ayon kay party chairman Ronald Cardema, hindi na ikinagulat ang ruling at iginiit na “pinilipit” umano ng poll body ang batas. “We now only put our trust in the Supreme Court,” aniya.

Giit ng grupo, labag sa Konstitusyon at isang “grave abuse of discretion” ang desisyon, lalo’t mahigit 2.3 milyong Pilipino ang bumoto para sa kanila. Nagpasalamat sila kay Commissioner Rey Bulay sa pagpanig sa kanila, ngunit binatikos ang ibang commissioner na anila ay “kayang ipanalo ang talo at ipatalo ang panalong-panalo.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here