Home HOME BANNER STORY Fixer sa ayuda ng DSWD, ibinabala

Fixer sa ayuda ng DSWD, ibinabala

219
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa paggamit ng fixer para makakuha ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ayon kay DSWD-Crisis Intervention Program Director Edwin Morata, sapat ang kaalaman ng mga social worker para direktang tumulong at mag-assess, habang ang mga fixer ay nagdudulot lamang ng dagdag na problema at maling impormasyon.

“Laging bukas ang pintuan ng DSWD para sa mga nangangailangan,” ani Morata, sabay paalala na magdala ng tamang dokumento at makipag-ugnayan lamang sa awtorisadong tauhan.

Pinayuhan din niya ang publiko na umasa lamang sa opisyal na website at verified accounts ng DSWD para sa tamang impormasyon tungkol sa AICS.

Saklaw ng AICS ang medikal, libing, transportasyon, pagkain, at cash assistance, kasama rin ang psychosocial services at material support. Giit ni Morata, hindi lang ito para sa mahihirap kundi para sa sinumang nasa krisis, mayaman man o mahirap, empleyado o hindi. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here