Home NATIONWIDE Personal na byahe abroad ng DPWH officials, pinagbawalan muna

Personal na byahe abroad ng DPWH officials, pinagbawalan muna

240
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang lahat ng aplikasyon para sa personal na pagbiyahe abroad ng mga kanilang kawani hanggang Nobyembre 2025, kasabay ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa isang memorandum nitong Biyernes, sinabi ni Bonoan na bahagi ito ng pangako ng ahensya sa transparency, accountability, at integridad. Tanging mga agarang medical travel lamang ang hindi saklaw ng suspensyon.

Obligado ang mga kawani ng gobyerno na kumuha ng travel authority para sa personal na biyahe, ngunit nilinaw ni Bonoan na ang pag-apruba rito ay discretionary at maaaring higpitan kapag hinihingi ng interes publiko.

Nasangkot ang DPWH sa alegasyon ng korapsyon sa substandard o “ghost” flood control projects, kabilang ang mga kontratang umano’y na-award nang walang bidding. Iginiit din ni Senador Panfilo Lacson ang umano’y sabwatan ng ilang DPWH insiders, contractors, at mambabatas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here