Home NATIONWIDE DA: ‘Wag bumili ng imported rice na higit P43/kilo

DA: ‘Wag bumili ng imported rice na higit P43/kilo

216
0

Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga mamimili na huwag bumili ng imported rice na ibinebenta ng higit ₱43 kada kilo, kasabay ng babala na may ilang negosyante na posibleng samantalahin ang 60-day import suspension simula Setyembre 1.

Ang ₱43/kg ang itinakdang maximum suggested retail price para sa 5% broken imported rice. “Huwag kayong bibili ng imported rice na higit ₱43,” ani Tiu Laurel, sabay paalala na dapat ring ipanawagan ang mga lumalabag.

Giit niya, sapat ang suplay ng bigas, na umabot na sa 2.67 milyong metric tons ang naangkat hanggang Agosto 14, at ang magandang kalidad ng imported rice ay dapat nagkakahalaga lamang ng ₱43 hanggang ₱43.50 kada kilo.

Batay sa Bantay Presyo ng DA, kasalukuyang nasa ₱41 hanggang ₱50/kg ang presyo ng premium imported rice sa Metro Manila, habang ang lokal na premium rice ay nasa ₱41 hanggang ₱60/kg. Tiniyak ng DA ang mas mahigpit na pagbabantay upang manatiling “makatarungan at abot-kaya” ang presyo ng bigas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here