Home ENTERTAINMENT John Clifford, bumigay kay Joshua!

John Clifford, bumigay kay Joshua!

373
0

Manila, Philippines- Nang nakita ng Sparkle artist na si John Clifford si Joshua Garcia sa nagdaang 37th PMPC Star Awards For TV ay nagwapuhan at na-starstruck siya rito.

Kaya naman nang manalo siya bilang Best New Male TV Personality, bago ang kanyang acceptance speech, ay nagbiro siya.

Aniya,  “Can I introduce myself again?  Kambal po pala ako ni Joshua Garcia. Hindi! Joke lang po.”

In fairness, marami naman ang nagsasabi na may hawig si Clifford kay Joshua.

Pagkatapos nu’n ay ibinahagi na ng bagets ang award na napanalunan niya sa Nasa Itaas.

“I share this award first and foremost with God. Nagpapasalamat po ako sa blessing na ito.”

Pinasalamatan din niya ang sitcom na Pepito Manaloto kung saan ay  naging semi regular siya rito.

Ito ang programang nagpanalo sa kanya.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang mga magulang na sina Daddy Dong at Momny Pie, sa pagiging supporitive ng mga ito sa kanyang career.

Ganundin ang kanyang management na Sparkle GMA Artist Center at mga faney sa walang sawang pagsuporta sa kanya.

To John Clifford, our congratulations! Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here