MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkakaroon ng nationwide government job fairs mula Setyembre 2 hanggang 5 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary.
Gaganapin ang 2025 Government Job Fair sabay-sabay sa lahat ng 16 na rehiyon, na mag-aalok ng trabaho sa national agencies, LGUs, GOCCs, at state universities and colleges.
Kabilang sa mga venue ang SM North EDSA (NCR, Set. 4), Robinsons Starmills Pampanga (Set. 4), SM City Iloilo (Set. 4-5), Robinsons Galleria Cebu (Set. 4-5), SM CDO Downtown (Set. 3-4), at KCC Mall Cotabato (Set. 4), at iba pa.
Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng kumpletong Personal Data Sheet na may litrato at pirma, kopya ng eligibility o lisensya, at transcript of records. Kinakailangan din ang casual o business attire. Santi Celario