Home NATIONWIDE PCG divers sa Taal Lake, nagkakasakit na

PCG divers sa Taal Lake, nagkakasakit na

244
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Justice (DOJ) sa kalusugan ng mga divers ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsasagawa ng paghahanap sa mga nawawalang sabungeros sa Taal Lake.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nagkakaroon na ng skin diseases ang mga technical divers dahil sa patuloy na pagsisid o search and retrieval operations.

Bunsod ito ng unhealthy contents at dumi ng tubig sa ilalim ng Lawa ng Taal.

Ikinasa ang naturang operasyon upang makakalap ng sapat na ebidensya o mga buto na, kung sakaling tumugma sa isa sa mga sabungerong nawawala, ay siyang gagamitin sa kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here