Home NATIONWIDE DPWH officials sa Region 4B, Batangas binalasa—Bonoan

DPWH officials sa Region 4B, Batangas binalasa—Bonoan

296
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Public Works Secretary Manuel Bonoan nitong Sabado na inilipat sa ibang pwesto ang ilang opisyal ng DPWH sa Region 4B at Batangas habang iniimbestigahan ang mga umano’y ghost at maanomalyang flood control projects.

Sa isang video message, kinumpirma ni Bonoan ang reassignment ng regional director ng Region 4B, mga assistant district engineer, at section chiefs ng Batangas 1st District Engineering Office.

“Gusto nating managot ang dapat managot, makulong ang dapat makulong,” aniya.

Patuloy ding bineberipika ng DPWH ang mga flood control project sa Bulacan at iba pang probinsya sa Regions 3, 4B, 6, 7, at 8. Nauna nang bumuo ng Anti-Corruption Task Force ang ahensya at sinuspinde ang ilang district offices na sangkot sa mga kwestyonableng proyekto.

Sa gitna ng panawagan para sa kanyang pagbibitiw, iginiit ni Bonoan na hindi ito ang tamang solusyon. “Tatanggapin ko ang accountability pero hindi ko kukunsintihin o papayagan ang anumang uri ng korupsyon,” diin niya.

Sa kanyang SONA, binalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal na nagnanakaw ng pondo para sa flood control projects na sila’y pananagutin sa batas, matapos niyang makita ang ilang substandard at “guni-guni lang” na proyekto sa kanyang inspeksyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here