Home LIFESTYLE HEALTH 2,525 kaso ng HFMD naitala sa loob ng 1 linggo – DOH

2,525 kaso ng HFMD naitala sa loob ng 1 linggo – DOH

281
0

MANILA, Philippines – Naitala ng Department of Health (DOH) ang 39,893 kaso ng HFMD noong Agosto 2025.

Ito ay matapos madagdagan ng 2,525 kaso sa loob lamang ng isang linggo mula sa 37,368.

Kalahati sa mga naiulat na kaso ay mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang.

Nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga local government units upang mapaigting ang pagmomonitor ng mga kaso ng HFMD sa mga rehiyon.

Bukod dito, magpupulong din ang Health Learning Institution ng DOH upang mapag-usapan ang mga hakbang na imumungkahi para sa HFMD prevention and management sa mga eskwelahan.

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na maaaring makuha sa laway na may virus mula sa ubo, bahing, o pagsasalita. Maaari rin itong makuha sa paghawak ng mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na nakahawak sa bagay na kontaminado ng virus.

Paalala ng DOH, lalo na sa mga magulang, na kung sakaling makaramdam ng sintomas ang anak gaya ng lagnat, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at mga butlig sa palad at talampakan ay agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.

Para sa mga mild na kaso ng HFMD, sinabi ng DOH na panatilihin ang anak sa bahay nang pito hanggang sampung araw o depende sa abiso ng doktor. Paalala rin ng Kagawaran, bukod sa pagdi-disinfect ng mga kagamitan, ugaliin din ang dalawampung segundong paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang hawahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here