Home ENTERTAINMENT Gloria, hindi bet si Marian!

Gloria, hindi bet si Marian!

277
0

Manila, Philippines- Tinanong ni Boy Abunda ang beteranang aktres na si Gloria Diaz nang mag-guest ito sa kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda kung sino para rito ang tatlong pinakamagagandang artista sa showbiz.

Pero bago sumagot ang kauna-unahang naging Miss Universe noong 1966, sinabi niya na, “Pinakamagaganda doesn’t mean, I necessarily like them.”

Na ang ibig niyang sabihin, nagagandahan lang siya  sa mga pipiliin niya pero hindi niya gusto ang mga ito.

Unang binanggit ni Gloria ang anak niyang si Ysabelle Daza.

Pero sabi ni Kuya Boy, huwag na itong isama.

Pangalawang binanggit ni Gloria ay si Marian Rivera.

“I don’t necessarily like her. But she’s one of the most beautiful. Perfect ang mukha,” pag-describe ni Gloria sa misis ni Dingdong Dantes.

Pinili rin niya rin si Kyline Alcantara, na co-star niya sa isang serye.

“When she matures a little bit more, she’s beautiful.”

Bongga sina Marian at Kyline, huh! Nagagandahan sa kanila si Gloria pero ‘yun nga lang, hindi naman sila nito gusto. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here