Home NATIONWIDE Electrical engineering palalakasin ni Go sa isinusulong na batas

Electrical engineering palalakasin ni Go sa isinusulong na batas

313
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga electrical engineer sa kanilang mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa sa 26th Southern Mindanao Regional Conference ng Institute of Integrated Electrical Engineers (IIEE) sa Davao City nitong Biyernes, Agosto 29.

“Malaki ang ambag ng electrical engineers sa pag-usad ng ating bayan tungo sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan,” ani Go, habang binati ang IIEE sa ika-50 anibersaryo nito. Hinikayat niya ang mga miyembro na patuloy na mamuno nang may integridad, inobasyon, at malasakit.

“Kayo po ang tumutulong upang umusad ang ating bayan tungo sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan din ni Go sa nasabing event ang IIEE na pinamumunuan ni National President Engr. Alberto Herrera Jr., former President Engr. Florigo Varona, Davao Chapter President Engr. Moises Male II, Vice President for Internal Affairs Engr. Robert Mabulay, Vice President for External Affairs Engr. Adrian Rey, Vice President for Technical Affairs Engr. Cleofe Caidic, Secretary Enr. Jeddper de Castro, Treasurer Engr. Justo Maj. Lopez Jr., at Auditor Engr. Nelson Andres.

Kinilala niya rin sina Engr. Floyd Gamad ng  Southern Mindanao, Engr. Marlon Parot ng Western Mindanao, Engr. Alvin Estanislao of Central Luzon, Engr. Jovenie Tagatac ng Metro Manila, Engr. Malou Umali ng Southern Luzon, Engr. Marlon Balbuena ng Western Visayas, Engr. Erwin Salvador ng Eastern and Central Visayas, Engr. Tomas Virtudez ng Northern Mindanao, at Engr. April Alejandra Titular ng Bicol Region.

Ipinasa ni Go ang Senate Bill No. 1282 o Electrical Engineering Act of 2025, na layong i-update ang batas mula pa noong 1995 upang palakasin ang pamantayan sa lisensya at regulasyon ng propesyon. Giit niya, mahalaga ang inobasyon, sustainability, at resilience sa mabilis na pagbabago ng mundo.

“Layunin po nito mai-update na ang batas para sa electrical engineering na naisabatas noon pang 1995. Hangarin natin na mapalakas ang inyong propesyon at matiyak na patuloy tayong makakasabay sa pandaigdigang pamantayan lalo na sa teknolohiya at makabagong panahon,” paliwanag ng senador.

Tiniyak din ng senador ang suporta sa mga inisyatiba para sa mga propesyonal tulad ng electrical engineers.

“Patuloy po nating pagtutulungan ang pagbuo ng mga polisiya at programa na magpapatatag sa ating mga industriya at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa ating workforce,” giit pa ni Go. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here