Home NATIONWIDE VP Sara byaheng Japan; Filipino community kikitain

VP Sara byaheng Japan; Filipino community kikitain

239
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na magtutungo siya sa Japan ngayong Setyembre upang makipagkita sa Filipino community doon.

“Tuloy ‘yung Japan. Na-set na ‘yun ng Filipino community,” pahayag ni Duterte sa pakikipag-ugnayan sa kanyang mga tagasuporta.

Kasalukuyan siyang nasa The Hague, Netherlands kasama ang kanyang mga kapatid na sina Paolo, Baste, at Kitty Duterte upang dalawin ang kanilang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng drug war.

Sa mga nakalipas na buwan, nakipagkita rin si VP Sara sa mga Filipino community sa Australia, Kuwait, Qatar, Malaysia, at France. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here